Linggo, Disyembre 7, 2014

Pahayagan (National): Bagyong Ruby

‘State of Calamity’ Sa Albay 

·         Sunday, 07 December 2014 00:00
·         Written by  (Edwin Balasa)
·         Balitang Pampanahon


Published in Dahil sa inaasahang pananalasa ng bagyong ‘Ruby’ ay idineklara na sa ‘state of calamity’ ang buong lalawigan ng Albay kasabay ng pagtaas ng storm signal number 3 kahapon ng tanghali.
Sa isinagawang emergency meeting kahapon bago magtanghali sa tanggapan ng Office of Civil Defense (OCD) Bicol na dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng lokal na gobyerno ng lalawigan upang iakyat sa red alert status ang ginagawang paghahanda sa paparating at pagtama ng bagyong ‘Ruby’ sa Bicol region.
Kabilang na rito ang deployment ng mga military trucks para sa mga hahabol pa sa paglikas patungo sa mga evacuation centers.
Habang patuloy sa repacking ang gina­gawa ngayon sa panig ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa libu-libong residenteng una nang inilikas.
Ayon naman kay Dr. Cedric Daep, hepe ng Public Safety and Emergency Management Officer (APSEMO) Albay, ang maagang deklarasyon ay upang magamit ang calamity fund sa pangangailangan ng mahigit sa 74,000 pamilya na inilikas.
Ang naturang bilang ay mula sa unang target na mahigit sa 128,000 pamilya na nagmula umano sa tinatawag na “vulnerable areas” na may banta ng flashfloods, storm surge at pagragasa ng lahat.

·      Opinion by (Kian Jake Langford)

Ayon kay (Edwin balasa) idineklara na sa albay ang  “state of calamity” dahil sa paparating na bagyong ‘ruby’. Sa aking opinion, maganda naman ang ginawang aksyon ng pamahalaan sa albay dahil naging alerto sila at maaga silang lumikas upang makapaghanda. Siguro naging leksyon na sa mga residente ang maagang paglikas dahil naranasan na nila ang hagupit ng ibang bagyo tulad ng Yolanda. Hindi lang ang mga residente ang nakahanda kundi ang  pamahalaan din ay nakahanda na sa mga pangangailangan tulad ng mga relief goods, at iba pa. isa pang opinion ko ay sana huwag nang ilagay ng mga kawani ng gobyerno ang pera na pang tulong sa mga tao. Dahil sila ang naghihirap.




Artikulo Ni: Kian Jake Langford
Mga laraawan ay galing sa Google Images.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento