Linggo, Disyembre 7, 2014

Balitang Isports: "Boxing"

Boxing sa panahong ito ay isang kinaguguluhan ng mga Pilipino, Naging epekto ito nang pagpapalaganap ng boxing sa Pilipinas, Marinig lang nila ang taong pangalan ay "Manny Pacquioa", Aba! Matindi! Siya man lang ang Pambansang Kamao Ng Pilipinas. Tinututukan ng maraming Pilipino, Tuwing may laban si Pacman lahat ay abala sa panonood ng kanyang laban, Bantay sa mga suntok ni Pacman, Naghihiyawan sa tuwing napapasuntok si Pacman at sa huli kung panalo o hindi panalo patuloy parin ang suporta ng sambayanan.




Balitang Isports

Panalo si Manny Pacquiao sa laban nila ni Christopher Algieri na mas kilala sa pangalang Chris Algieri. Ang laban na ito ay ginanap sa Cotaina Arena sa Macau noong Nobyembre 22, 2014. Nakumpleto ang labindalawang round ang laban at napatumba ni Pacquiao si Algieri ng anim na beses ngunit hindi niya ito nagawang i-knockout. Tanggap ni Algierie ang pagiging talo sa laban na ito at inamin din ni Manny na  magaling ang kanyang kalaban. Pagkatapos ng pagkapanalo ay nagpasalamat rin si Manny sa kanyang mga taga-suporta.




Artikulo ni: Ephraim John S. Yu
Categorya: Balitang Isports (Pahayagan)
Lahat ng mga larawan ay galing sa Google

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento